Duterte, hindi dumalo sa pagbubukas ng Belt and Road Forum

 
BRFNo-show si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng Belt and Road Forum o BRF sa Beijing, China.

Wala pang inilababas na rason ang Malakanyang kung bakit hindi nakadalo si Duterte sa naturang forum.

Pero present naman ang top leaders ng iba’t ibang bansa para sa 2-day forum.

Si Chinese President Xi JInping ang nanguna sa opening ceremony ng BRF.

Ayon kay Xi, ang China ay handa na ibahagi ang ‘practices of development’ nito, pero wala raw intensyon na maki-alam sa internal affairs ng ibang mga bansa.

Naglahad din ang kanyang talumpati si Russian President Vladimir Putin.

Sa kanyang speech, pinuri ni Putin ang large-scale initiative ng China.

Iprinomote din nito ang naisin para sa isang Eurasian Economic Union.

 

Read more...