Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng mahigit pisong rollback sa presyo ng gasolina

August 24, 2015 - 01:44 PM

Oil photo genericMay rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Unang nag-anunsyo ng rollback ang kumpanyang Eastern petroleum na magpapatupad ng rollback na P1.15 sa kada litro ng gasolina at P0.45 sa kada litro ng Diesel.

Ang rollback ng Eastern petroleum ay epektibo alas 6:00 ng gabi ngayong araw, August 24.

Ang kumpanyang Shell naman ay magpapatupad ng P1.10 sa kada litro ng gasolina, P040 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene.

Ang nasabing rollback ng Shell ay epektibo naman alas 12:01 ng madaling araw bukas, August 25.

Inaasahang sunod-sunod na mag-aanunsyo ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong hapon./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.