Bilang ng mga Pilipinong naniniwalang matutupad ang mga pangako ni Duterte, nanatiling mataas

By Angellic Jordan May 14, 2017 - 11:09 AM

duterte-PHNOM-PENH-1024x683Sa nalalapit na ika-1 taon bilang pangulo, nananatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinangako noong kasagsagan ng 2016 elections campaign.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey, 1 sa 2 Pilipino o 53 percent sa 1,200 respondents ang inaasahang maisasakatuparan ang lahat o karamihan sa mga pangakong plataporma ni Duterte.

Gayunman, bumaba ito mula sa 63 percent ng June at 56 percent ng September noong nakaraang taon.

Kasunod nito, tumaas naman sa 47 percent ang nagsasabing iilan lamang o walang magkakatotoo sa mga ito.

Tumaas naman ng 13 points sa Mindanao ang optimism rate ng Punong Ehekutibo habang nabawasan naman sa Luzon at Visayas.

Samamtala, mayroong +/- three percentage points ang isinagawang survey mula March 25 hanggang 28.

TAGS: Rodrigo Duterte, Social Weather Station, Rodrigo Duterte, Social Weather Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.