Duterte, dumating na sa Beijing para sa Belt and Road Forum
Dumating kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing, China para dumalo sa Belt and Road Forum for International Cooperation na magsisimula ngayong araw.
Nasa 29 na mga heads of state at head of government ang inaasahang dadalao sa dalawang araw ng nasabing forum.
Una ng sinabi ng pangulo na ang naturang forum ay magsisilbing platform para matuto sa mga karanasan tungkol sa pag-unlad ng ekonomiya at maging ang palitan ng mga pananaw sa ilang bagay.
Gusto ni Duterte na matutunan ang mga ekonomiya ng ibang mga bansa at kung paano ito gumagana.
Aniya swak sa 2017-2022 development plan ng Pilipinas ang inisiyatibo ng naturang forum partikular na sa pag-unlad ng imprastruktura at ang posibilidad na magandang kooperasyon ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.