Mga lider ng mga unibersidad, nanawagan sa Senado na huwag ipasa ang death penalty

Senate 2017 budgetNaglabas ng pahayag ang mga lider ng mga unibersidad kung saan kanilang hinihikayat ang mga senador na huwag bumoto pabor sa death penalty bill.

Nagbigay ng anim na argumento ang lider kung bakit hindi dapat muling buhayin ang parusang kamatayan.

Ito ay dahil ito ay anti-poor, lumalabag sa international commitments ng bansa, hindi pa ito napapatunayang sagot para bumaba ang bilang ng krimen, hindi ito magbibigay ng hustisya at higit sa lahat ay labag ito sa karapatang mabuhay.

Inaasahan na didingin ng Senate Committee on Justice ang panukala ngayong buwan.

Pinasalamatan ng mga lider ng mga unibersidad ang mga senador na hindi pabor sa death penalty habang kanilang hinimok ang mga pabor na kanilang irekunsidera ang kanilang desisyon at nanawagan na sa mga undecided na huwag bumotor pabor sa naturang panukala.

Ang mga signatories ng naturang statement ay ang mga lider ng Assumption College, Ateneo de Manila University, Ateneo de Cagayan, De La Salle University, De La Salle Philippines, San Beda College, St. Scholastica’s College, University of the Philippines Diliman at Manila, University of Santo Tomas at Xavier School.

Read more...