Lola binugbog ng sariling bayaw, sugatan sa Las Piñas City

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Sugatan ang isang lola matapos bugbugin at saksakin ng kanyang lasing na bayaw sa Las Piñas City.

Nagpasaklolo sa pulisya ang biktimang si Amelita Gallano, 53-anyos, matapos makalabas sa Las Piñas General Hospital.

Kasama ni Aling Amelita ang kanyang mister na si Rolando, na mismong umawat sa suspect na kanyang kapatid, si Andres Gallano.

Kwento ni Mang Rolando, kinuwelyuhan, sinakal, sinuntok at pinagsasaksak pa ng kanyang kapatid ang kanyang may-bahay.

Sinasabing dati nang nakulong dahil sa kasong murder ang suspek,at gumagamit rin ng iligal na droga.

Nakakulong na ngayon ang suspect at nahaharap sa patong-patong na kaso.

Read more...