2 miyembro ang ASG sa Bohol, hindi pa rin natatagpuan

By Rohanisa Abbas May 13, 2017 - 07:51 PM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Hindi pa rin natatagpuan ang dalawang myembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nagtatago pa rin sa mangrove swamps sa Pangangan Island sa Calape, Bohol.

Ipinahayag ito ng isang police official na tumangging pangalanan.

Aniya, posibleng tumakas mula sa kordon ng militar ang dalawa sa pamamagitan ng paglangoy.

Naipit ang dalawang ASG members sa mangrove forest na sinusuyod ngayon ng militar para tugisin ang dalawa.

Nilibot din ng Philippine Navy ang isla para masigurong hindi makakatakas ang mga bandido.

Ayon sa militar, delikado pa rin ang mga ito dahil armado sila ng mga pistol at granada taliwas sa pahayag ng pulisya na wala nang banta ang dalawa sa mga residente.

Noong Miyerkules, ilang residente sa Pangangan Island ang nagsabing nakita nila ang dalawang bandido na sina alyas Asis at alyas Ubayda makaraang sakyan nila ang isang bangka na ninakaw nila sa Sitio Abucayan sa Barangay Liboron.

TAGS: ASG, Bohol, Pangangan Island, philippine navy, ASG, Bohol, Pangangan Island, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.