Paliwanag ni Atienza, si Napoles umano ang naghati-hati ng salapi at nagbigay ng hanggang bilyon-bilyong piso na mula sa mga pulitiko .
Giit ng mambabatas, ang dapat na tumestigo ay mga aniya’y dinaanan ng papel na “least guilty” sa pork barrel scam, gaya ng mga naghatid ng pera sa mga pulitiko.
Dagdag ni Atienza, dapat na manatili sa bilangguan si Napoles bilang pangunahing nagpalaganap umano ng katiwalian sa bansa, at dapat na samahan din aniya siya ng mga pulitikong dawit sa pork barrel scam.
MOST READ
LATEST STORIES