Napoles, hindi karapat-dapat na maging state witness ayon Atienza

By Rohanisa Abbas May 13, 2017 - 07:44 PM

napolesNaniniwala si Buhay Party-list Representative Lito Atienza na ang umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles ang pinaka-guilty sa anomalya kaya hindi ito karapat-dapat na maging state witness.

Paliwanag ni Atienza, si Napoles umano ang naghati-hati ng salapi at nagbigay ng hanggang bilyon-bilyong piso na mula sa mga pulitiko .

Giit ng mambabatas, ang dapat na tumestigo ay mga aniya’y dinaanan ng papel na “least guilty” sa pork barrel scam, gaya ng mga naghatid ng pera sa mga pulitiko.

Dagdag ni Atienza, dapat na manatili sa bilangguan si Napoles bilang pangunahing nagpalaganap umano ng katiwalian sa bansa, at dapat na samahan din aniya siya ng mga pulitikong dawit sa pork barrel scam.

TAGS: janet lim-napoles, lito atienza, pork barrel scam, state witness, janet lim-napoles, lito atienza, pork barrel scam, state witness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.