Pagpapababa ng ‘age of criminal liability’, impraktikal ayon kay Atienza

By Rod Lagusad May 13, 2017 - 07:39 PM

atienza file inquirerWalang nakikitang pratikalidad si Buhay party-list Representative Jose “Lito” Atienza sa pagpapababa ng minimum age ng criminal responsibility.

Ayon kay Atienza, paano maiikukunsidera ang mga batang naligaw ng landas dahil sa kanilang mga magulang.

Aniya ang may kasalanan dito ay ang mga magulang at ang lipunan.

Kaugnay ito ng House Bill 002 na naglalayong papababain mula sa 15 taong gulang sa 9 na taong gulang ang minimum age ng criminal responsibility,.

Ito ay inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez and Capiz Rep. Fredenil Castro at kasalukuyan ngayong nakabinbin sa Kongreso.

Binigyang diin ni Atienza ang pag-amiyenda sa batas sa minimum age ng criminal liability ay magbubunga lang ng mas maraming mga kriminal.

Dagdag pa ni Atienza na hindi na kayang punan ng mga kulkungan ang kasalukuyang bilang ng mga bilanggo sa bansa.

TAGS: criminal responsibility, Fredenil Castro, lito atienza, Pantaleon ALvarez, criminal responsibility, Fredenil Castro, lito atienza, Pantaleon ALvarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.