Ayon sa isang nakausap ng Radyo Inquirer sa Bakers Hill, na sikat na puntahan at bilihan ng mga pasalubong sa Puerto Princesa bagama’t may travel warning ay tuloy ang kanilang pamamasyal.
Malimit man ang mga Amerikano o British na turista, marami naman ang Asian gaya ng mga Chinese at Koreans.
Ayaw paawat ng mga dayuhan at lokal na turista na masaksihan ang ganda ng underground river at kahit masama ang panahon, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga tao.
May naka-istasyon namang mga pulis at sundalo, upang matiyak ang seguridad ng mga bisita.
Sinabi ng lokal na turismo ng Puerto Prinsesa, hindi naman gaanong ramdam ang epekto ng travel warning.
Gayunman, hindi anila maiiwasan na may ilang magkansela ng biyahe o tour.
Sa ngayon, labas-masok ang mga tao sa Palawan at kahit pa sabihing walang banta, ang pag-iingat pa rin ang pinakamahalaga.