Impostor ni DENR Sec. Roy Cimatu, nagsulputan

CIMATUIlang araw matapos na mag-take over sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagsulputan na ang impostor ni Secretary Roy Cimatu.

Nagbabala si Cimatu sa publiko na huwag patulan ang mga tao na nagpapakilalang siya o kinatawan niya at nangongolekta ng pera para mapaboran ng kalihim.

Istilo umano ng mga manloloko ay manghihingi ng pera kapalit ng tiyak na pag-apruba sa mga transaksyon nito sa DENR.

Kaugnay nito, hinikayat ni Cimatu ang publiko na isumbong ang mga katulad na aktibidad sa hotline ng DENR na 336 o sa mobile no. na 0917-868-3367 at 0917-885-3367.

Read more...