High-value drug suspect sa Southern Mindanao, patay sa isang raid

By Rohanisa Abbas May 13, 2017 - 04:35 PM

Nabunturan-Compostela-ValleyPatay ang isang high-value drug suspect sa Southern Mindanao sa isang raid sa Nabunturan, Compostella Valley.

Kinalala ang suspek na si alyas Ian Sicad na pangwalo sa listahan ng top drug suspects ng Region 11.

Narekober sa kanya ang tinatayang 300,000 pisong halaga ng ilegal na droga at ilang drug paraphernalia.

Ngayong Sabado, ipinahayag ni Chief Inspector Andrea dela Cerna, tagapagsalita ng Southern Mindanao police, na sinalakay ng magkatuwang na pwersa ng pulisya, anti-narcotics agents at mga sundalo ang Barangay Mainit noong Miyerkules.

Sinabi ni Dela Cerna na sa ulat ng Nabunturan police, isinilbi ng mga otoridad ang search warrant na inihain ng korte laban sa suspek dakong 11:35 ng umaga.

Gayunman, hindi na isinaad sa naturang ulat kung paano napatay ang suspek.

TAGS: Compostella valley, drugs, Mindanao, Nabunturan, Raid, Compostella valley, drugs, Mindanao, Nabunturan, Raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.