Pilipinas at China, pag-uusapan ang isyu ng South China Sea sa susunod na linggo

west-ph-seaSisimulan na ng Pilipinas at China ang pag-uusap sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana.

Aniya pagkatapos ng naturang unang pag-uusap ay magpapatuloy ito ng dalawang beses sa isang taon.

Dagdag pa ni Sta. Romana na magiging bahagi ng pag-uusap ang mga opisyal mula sa DFA at Chinese Foreign Ministry.

Kauganay nito, hiwalay na pag-uusapan ang isyu ng agawan ng teritoryo mula sa ekonomiya, trade, kultura at iba pang sektor.

Unang ng sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pumayag ang China na siyang unang maging host ng unang round ng pag-uusap.

Matatandaang una ng naghain ng legal case sa arbitral tribunal ang Pilipinas sa ilalim ng Aquino admistration kung saan walang basehan ang nine-dash claim ng China ngunit hindi nila ito kinikilala.

Read more...