Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan

By Jimmy Tamayo May 13, 2017 - 11:56 AM

Vatican-Pope-Easter_Inte-620x415Pagkakaisa at unawaan ng lahat ng tao sa mundo ang panawagan ni Pope Francis sa mga dumadalo sa sentenaryo ng aparisyon ng birheng Maria sa Portugal.

Libo-libong mga deboto ang sumalubong sa Santo Papa sa kanyang pagdating sa Fatima para makiisa sa pag-gunita ng ika-isandaang taon ng pagpapakita ng birhen sa tatlong batang pastol.

Sakay ng isang helicopter na lumapag sa isang stadium malapit lamang sa Chapel of the Apparitions bago sumakay ng kanyang Popemobile.

Agad din na pinangunahan ni Pope Francis ang pagdarasal sa loob ng simbahan.

Ang chapel ay itinayo sa lugar kung saan pinaniniwalaang nagpakita ang Virgin Mary sa tatlong bata na sina Jacinta, Francisco at Lucia noong 1917.

Ilang mga propesiya din ang ibinigay ng birhen sa tatlong bata kabilang ang pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig o World War II.

Pangungunahan din ng Santo Papa ang canonization ni Jacinta at Franciso na iniuugnay ngayon sa dalawang milagro o himala.

Si Pope Francis ang ika-apat pa lamang na pontiff na dumalo sa paggunita ng aparisyon.

TAGS: Fatima, pope francis, Portugal, Virgin Mary, Fatima, pope francis, Portugal, Virgin Mary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.