Pilipinas, binalaan ng NSA na kasama sa mga bansang biktima ng cyber attacks
Kasama ang Pilipinas sa mga bansang biktima ng cyber attacks.
Ito ang ibinabala ng US National Security Agency kasunod ng panibagong cyber attacks sa ilang mga ospital sa Britanya at sa telecom giant sa Spain na Telefonica.
Ayon sa NSA gumamit ng ransomware technique ang hackers kung saan nila-lock nito ang mga files ng isang user at humihingi ng kabayaran sa pamamagitan ng bitcoin.
Hindi pa tiyak ang lawak ng cyber attacks pero iniuugnay ito sa ilang pananabotahe kabilang na sa Britain at Spain.
Gumagamit umano ng malware na WCry ang mga hackers maging ang ilang variants nito gaya ng WannaCry, WanaCrypt0r, WannaCrypt, o Wana Decrypt0r.
Base naman sa report ng security researcher na si Costin Raiu ng security firm na Kapersky, aabot sa 45,000 ang naitala nilang cyber attacks mula sa WannaCry ransomware sa 74 na bansa sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.