Planong 230-kv Pasay Substation, magpapabuti ng power supply sa NCR ayon sa NGCP

ngcpPinaplano ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagtatayo ng 230-kiloVolt (kV) Pasay City Substation project para maiwasan na ang power outages sa Metro Manila.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng Transmission Development Plan nito na layong palakasin ang mga grid facilities sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng naturang plano ay pinaplano ng NGCP na matayo ng 230-kV substation project sa Diokno Avenue sa Pasay City na layong pagandahin ang kasalukuyan at hinaharap na power quality at system reliability.

Kasama din sa proyekto ang probisyon na pag-coonect ng Pasay Substation direkta sa isang Substation sa Bataan sa pamamagitan ng isang high voltage submarine cable.

Ang nasabing planong pagpapatayo ng Pasay substation ay isang critical infrastructure project na siya susuporta sa paglago, pag-unlad at seuguridad sa enerhiya ng Kanlurang bahagi ng Metro Manila.

Read more...