De Lima, naghain ng panukala para sa mga taong may autism

By Rod Lagusad May 13, 2017 - 11:47 AM

de limaInihain ng nakaditeneng si Senator Leila De Lima ang panukalang naglalayong magbigay ng educational at medical support sa mga taong may autism at mga special needs.

Nakasaad din sa Senat Bill 1433 ang pagbuo ng Autism Council of the Philippines para mapalawak ang kaalaman ng publiko sa autism bilang isang national health issue..

Ayon kay De Lima, kulang ang educational at financial support sa mga taong may autism sa bansa.

Aniya base sa datos mula sa Autism Society of the Philippines, isa sa bawat 500 mga Pilipino ang may autism o tinatayang 200,000 mga Pilipino mula sa kabuuang 100 million na populasyon ng Pilipinas.

Binigyang diin din ni De Lima na dapat mapagtuunan ng pansin ang kakulangan sa mga trained at mga highly-skilled teachers at mga health providers.

Kabilang din sa layon ng naturang panukala ang pagkakaron ng mandatory PhilHealth coverage sa mga taong may autism.

TAGS: autism, Autism Society of the Philippines, leila de lima, philhealth, Senate Bill, autism, Autism Society of the Philippines, leila de lima, philhealth, Senate Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.