Mocha Uson, nilinaw na biro lamang ang pagbibigay ng posisyon sa mga miyembro ng Mocha Girls
Nilinaw ng bagong Assistant Secretary ng Presidential Communications Operation Office, Margaux “Mocha” Uson na nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong bibigyan din niya ng posisyon sa gobyerno ang mga miyembro ng Mocha Girls.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Uson na nagbibiruan lamang sila makaraang alukin ni Duterte ng government post ang nasabing all-girl group.
“Yes po totoo po magkakaroon na ng DEPARTMENT OF ENTERTAINMENT or DOEn. Pag yan naniwala pa kayo ha? Pa check-up na po kayo. NAGBIBIRUAN LANG KANINA SINERYOSO NAMAN NG IBA HEHEHEHEHE.” Post ni Uson sa kanyang Facebook account.
Gayunman, kinumpirma ni Uson na totoong magkakaroon ng Department of Entertainment o DOEn.
Umani ng batikos ang pagkakatalaga kay Uson sa PCOO sa kawalan umano ng kredibilidad.
Gayunman, idinepensa ito ni Pangulong Duterte at inamin na malaki ang utang na loob niya kay Uson lalo na noong panahon ng kampanya.
Una nang itinalaga si Uson bilang board member ng Movie and Television Review And Classification Board (MTRCB) na umani rin ng batikos sa ilang sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.