Pacquiao, hindi nakikita ni Buboy Fernandez na magreretiro sa lalong madaling panahon

By Rod Lagusad May 13, 2017 - 07:58 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi nakikita ni Buboy Fernandez na magreretiro na ang si Manny Pacquiao sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Fernandez, hindi nawawala ang puso nito na pagiging boksingero.

Aniya hinahanap-hanap kasi ito ng katawan ni Pacquiao.

Dagdag pa niya kahit na mahalal ito bilang senador ay napapanatili ni Pacquiao na naka-kondisyon ang kanyang katawan sa pamamagitan na regular na paglalaro ng basketball.

Kaugnay nito, hanggat hindi nakikita ng Team Pacquiao nna pumapalya sa training si Pacquiao ay hindi nila ito hihikyating tumigil na sa boxing.

Matatandaang una nang inanusyo ni Pacquiao ang kanyang pagreretiro matapos na nitong talunin si Timothy Bradley noong April 2016.

Sa darating na July 2 ay makakaharap ni Pacquiao ang Australian boxer na si Jeff Horn na gaganapin sa Australia.

TAGS: Boxing, Buboy Fernandez, Jeff Horn, manny pacquiao, Boxing, Buboy Fernandez, Jeff Horn, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.