Hinihinalang drug pusher, patay sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila

tondo-mapPatay ang isang hinihinalang drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Nicolas Bornia alyas ‘Alas’ na kabilang sa watchlist ng PNP.

Nagpanggap umano na posseur buyer ang isang operatiba at bumili ng 300 pisong halaga ng shabu mula sa suspek.

Nang aarestuhin na, bumunot umano ng baril ang suspek at nagpaputok, dahilan para gumanti ang mga pulis at mapatay ito.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril, apat na sachet ng hinihinalang shabu at ang 300 pisong buy-bust money.

Read more...