Gilas Pilipinas, wagi agad sa opening ng 2017 SEABA Championship

By Kabie Aenlle May 13, 2017 - 04:46 AM

Gilas_4741Walang kahirap-hirap na tinalo ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Myanmar sa laban nila kagabi sa opening ng 2017 SEABA Championship campaign sa Smart Araneta Coliseum.

Pumalo kasi sa 107 points ang naging lamang ng Gilas matapos magwakas ang laro sa score na 147-40.

Out-rebounded din ng Gilas ang Myanmar sa 57-33, at nakasungkit din sila ng 25 steals, 12 blocks at 77 fastbreak points na nagdala sa kanilang madaling panalo.

Nanguna sa mga manlalaro ng Gilas si Calvin Abueva na nakakuha ng 22 points, anim na rebounds, limang steals, at apat na assists, habang si Allein Maliksi naman ay nakakuha ng 20 points at limang boards.

Sunod naman na makakalaban ng Gilas ay ang team ng Singapore ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.