Mga ospital sa UK at ilang kumpanya sa Spain, nakaranas ng cyber attack
Isang malaking cyberattack ang nagdulot ng aberya sa health system ng United Kingdom, at nakaapekto rin sa mga kumpanya sa Spain gamit ang malicious software o malware.
Dahil dito, napilitan ang mga ospital sa England na hindi tumanggap ng mga pasyente at mag-kansela ng mga appointments, kaya inabisuhan na lang ang mga taong nasa apektadong lugar na tumungo na lang sa ospital kung talagang emergency na ang sitwasyon.
Ayon sa Barts Health group, nakararanas sila ng malakihang IT disruption, at mga delays sa kanilang apat na ospital.
Pinadidiretso rin muna ang mga ambulansya sa mga kalapit na ospital dahil dito.
Samantala, kasama rin sa mga targets ng cyberattack ang telecommunications giant na Telefonica sa Spain.
Gayunman, sa kaso ng Telefonica, hindi naman apektado ang kanilang mga kliyente at serbisyo dahil ilang computers lang ang apektado.
Pawang ‘ransomware’ ang ginamit sa pag-atake sa parehong bansa, na isang uwi ng malware na nakakaapekto sa mga makina, inila-lock ang mga ito at hihingi ng ransom na bitcoins, para maibalik ang access ng may-ari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.