20 miyembro ng Abu Sayyf Group, patay sa operasyon ng militar sa Sumisip, Basilan

By Ruel Perez May 12, 2017 - 09:25 PM

Sumisip BataanPatay ang hindi bababa sa dalawampung miyembro ng Abu Sayyaf Group habang dalawa ang sugatan na sundalo matapos bombahin ng militar gamit ang bagong FA-50 jets ng Philippines Air Force ang kampo ng mga bandido sa Barangay Pamatskaen, Sumisip Basilan kagabi.

Nabatid na pinagkukutaan umano ng naturang kampo ni ASG sub-leader Furuji Indama.

Ayon kay 4th Special Forces Battalion Commmanding Officer Lt. Col. Andrew Bacala, ginamitan nila ng supersonic fighter jets ang mga bandido bukod pa sa mga kanyon at baril.

Alas diyes ng umaga nang tuluyang makubkob ng militar ang kampo ng mga bandido.

Narekober ng militar ang mga materyales sa paggawa ng bomba, mga pagkain at tatlong live IEDs kung saan isa ang sumabog na ikinasugat ng dalawang sundalo.

Nakasagupa naman ng mga sundalo ang mga tumatakas na bandido 300 metro mula sa nakubkob na kampo ng ASG.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.