Top member ng NPA sa Western Mindanao, arestado sa Zamboanga del Sur
Napasakamay ng mga otoridad sa Zamboanga del Sur ang pinakamataas na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Western Mindanao.
Ayon sa 1st Infantry Division ng Philippine Army, inaresto si Rommel Salinas sa Barangay Gango, Ozamis City habang siya ay nakasakay sa isang van dakong alas-6:00 kagabi.
Kasama nito ang kanyang asawang si Maria Reofifina Morales, si Bishop Carlo Morales ng Aglipayan Church, at ang driver na si Sadome Dalid.
Hindi naman nanlaban si Salinas, at dinala sila sa pulisya.
Nakahain ang limang arrest warrants laban kay Salinas dahil sa arson, murder, frustrated murder, attempted murder, at robbery.
Si Salinas ay kinilala ng militar bilang Front Secretary ng NPA-Western Mindanao Regional Committeem at sangkot umano sa ilang high profile crimes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.