Pemberton, umapela sa Court of Appeals na baliktarin ang desisyon sa Laude slay case

By Len Montaño May 12, 2017 - 03:48 PM

pembertonHiniling ni US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Court of Appeals na baligtarin ang desisyon nito na pabor sa kanyang conviction kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong October 2014.

Ayon sa abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores, naghain sila ng motion for reconsideration sa CA noong April 26.

Pero hindi na idinetalye ng abogado ang nakasaad sa apela ni Pemberton.

Si Pemberton ay hinatulang makulong ng anim hanggang sampung taon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 noong December 2014 kasunod ng isang taong paglilitis.

Hiniling ng amerikanong sundalo na makalaya siya sa katwirang self-defense ang nangyari dahil sinampal umano siya ni Laude matapos niyang madiskubre na may private part ito ng isang lalaki sa kabila ng hitsurang babae.

Argumento pa ni Pemberton, posibleng ibang tao umano ang pumatay kay Laude at kaduda duda ang pagkamatay nito.

Pero ibinasura ng CA 16th division ang alibi ni Pemberton dahil imaginary o hindi umano kapani-paniwala ang depensa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.