24 oras na pagpapatrulya sa Palawan, ipinag-utos ng PCG

By Erwin Aguilon May 12, 2017 - 03:11 PM

palawanPinatitiyak ngayon ni Philippine Coast Guard Officer in charge Commodore Joel Garcia sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroon ng 24 na oras na visibility at pagpapatrolya sa lalawigan ng Palawan.

Inatasan ni Garcia ang Coast Guard Palawan na siguruhin ang kanilang presensya sa mga panguhaning pantalan ng lalawigan gayundin ang sa mga tourist destination partikular na ang El Nido, Coron at Puerto Princesa City.

Nagpakalat na din ang Coast Guard ng K-9 unit upang makatulong sa pagtaya sa seguridad sa Palawan.

Samantala, sinabi ni Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo na nakikipag-ugnayan din ang kanilang mga tauhan sa mga coastal community gayundin sa mga mangingisda upang maging mapagmatyag ang mga ito.

Sinabihan aniya nila ang mga taga Palawan na isuplong sa mga awtoridad kung may mga kahinahinalang grupo ang pumasok o mamataan sa kanilang lugar.

Magugunitang napasok na ng Abu Sayyaf Group ang Puerto Princesa City partikular ang Dos Palmas Resort ilang taon na ang nakalilipas kung saan dinukot ang mga turista doon kabilang ang mag asawang misyonero na sina Gracia at Martin Burnhum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.