Mga maliiit na mall sa NCR, patuloy na nawawalan ng mga nagrerenta

By Jay Dones May 12, 2017 - 04:20 AM

 

LCC-mallBumababa na ang bilang ng mga establisimiyentong nagrerenta sa mga loob ng iba’t-ibang mall sa Metro Manila.

Ito ang resulta ng isang research ng property consulting company Colliers Philippines.

Batay sa pagsasaliksik, lumalaki ang vacancy rates sa mga shopping malls ngunit tumataas naman ang halaga ng rental fee.

Posibleng madagdagan pa ito sa mga susunod na taon dahil sa dumaraming mga malls na itinatayo sa Metro Manila.

Tanging ang mga ‘regional’ at mga ‘superregional malls’ o mga malls na malalaki ang nakakapagtala ngayon ng 97 hanggang 99 percent na occupancy rate.

Samantalang ang mga maliliit na mga mall ay patuloy na nakakapagtala ng mababang tenant occupancy.

Isa aniya sa kanilang nakikitang dahilan kaya’t nababawasan ang bilang ng mga tenants sa mga mall ay ang kawalan ng pagkakaiba o ‘uniqueness’ sa mga establisimiyento.

Upang maka-engganyo aniya ng mga tenants, dapat ay magkaroon ng lifestyle-oriented tenant mix sa mga mall upang maka-akit ng mga mamimili.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.