Higit 300 pamilya, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Davao City

By Jay Dones May 12, 2017 - 04:19 AM

 

maa, davao cityHindi bababa sa 300 pamilya ang sapilitang inilikas sa kanilang mga lugar makaraang tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog sa Davao City, Huwebes ng gabi.

Partikular na naapektuhan ng forced evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog sa Bgy. Talomo Proper at Bgy. Matina Crossing.

Sinimulan ang evacuation dakong alas-8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig sa mga ilog na bumabagtas sa dalawang barangay.

Sa pangambang umapaw ang mga ito, nagpasya ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang pagpapalikas sa mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.

Simula pa noong Miyerkules, nakakaranas na ng mga pag-ulan sa lungsod bunga ng thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.