Komunidad sa Puerto Princesa Underground River, nagboluntaryong magbantay vs Abu Sayyaf

By Jay Dones May 12, 2017 - 04:22 AM

 

Puerto-Princesa-Underground-River-and-National-Park-Inq-620x362Upang hindi na makalusot pa ang mga bandidong grupo na sinasabing nagbabantang magsagawa ng pagdukot sa kanilang lalawigan, nagpasya na ang ilang mga residente ng Puerto Princesa City na bumuo ng mga volunteer groups upang bantayan ang kanilang lugar.

Hindi bababa sa 228 mga residente ng lungsod ang nagkaisang magbantay partikular sa bisinidad at baybayin ng Puerto Princesa City na kilalang puntahan ng mga turista, dayuhan man o lokal.

Karamihan sa mga ito ay mga helper at mga barangay officials at mga bangkero sa PPUR.

Ang mga naturang volunteer ay makakatuwang ng mga pulis at sundalo na maglilibot sa mga entry points at sa bisinidad ng Underground River upang matiyak na ligtas ang mga dadayo sa lugar.

Nitong nakaraang araw, nagpalabas ng travel advisory ang mga embahada ng Amerika at UK na pinag-iingat ang kanilang mga citizens sa pagbisita sa Palawan dahil sa banta ng pagdukot ng mga bandidong grupo.

Naghahanda naman ang lokal na pamahalaan at mga travel agencies sa negatibong epekto sa Turismo ng naturang advisory.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.