Mga Pinoy sa Hong Kong excited nang makita si Duterte
Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang delegasyon nito sa Hong Kong kagabi.
Matapos ang kanyang pagdalo sa World Economic Forum sa Cambodia, dumeretso ang Pangulo sa Hong Kong, bago ang kanyang pagbisita sa Beijing sa mainland China.
Excited na ang mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong na masilayan ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakatakda itong humarap sa Filipino community sa Hong Kong sa Sabado.
Sinabi ni Consul General Bernardita Catalla, libu-libong OFWs sa Hong Kong ang matagal ng naghihintay na bumisita sa Special Administrative Region si Pangulong Duterte.
Ayon kay Catalla, nasa 194,000 Filipinos ang nasa Hong Kong kung saan 92 percent rito ay mga domestic helpers.
Magugunitang nanalo si Duterte sa nakaraang Presidential elections sa Hong Kong absentee voting kung saan 66 percent ng 46,000 Filipinos na bomoto sa halalan ang kanyang nakuha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.