Imbestigasyon sa pork barrel scam bubuhayin sa Senado

Napoles1
Inquirer file photo

Nais buhayin ni Sen. Chiz Escudero ang pag-iimbestiga ng Senado sa pork barrel scam.

Ayon kay Escudero sa kanyang pagkaka-alam ay mahigit pa sa P10 Billion na pondo ng bayan ang napunta lang sa bulsa ng ilang indibiduwal at mga pekeng on-government organizations at P6 Billion lang ang iniuugnay kay Janet Napoles.

Aniya maraming binanggit noon na mga pangalan si Napoles ngunit tila wala ng nangyari sa imbestigasyon.

Ngunit paglilinaw ng senador na titingnan niya muna kung paano tatakbo ang muling pag-iimbestiga ng Department of Justice sa iskandalo bago siya maghahain ng resolusyon sa senado ukol dito.

Magugunita na ilang mambabatas na ang isinabit sa maling paggamit ng kanilang pork barrel at dalawa sa kanila ay nakakulong pa hanggang ngayon sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla samantalang nakapag-piyansa naman si dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Read more...