Pagtatayo ng mga dagdag sa istraktura sa Pag-asa Island sisimulan na

By Ruel Perez May 11, 2017 - 07:54 PM

Pagasa island
Inquirer photo

Sinimulan na umanong magpadala ng Armed Forces of the Philippines ng mga taong mangangasiwa  para sa mga itatayong imprastraktura at pasilidad sa Pag-asa Island.

Ayon kay AFP Western Command Commander Lt. Gen. Raul Del Rosario, nagpadala sila ng unang batch ng mga tao o manggagawa noong isang linggo kasabay ng mga construction materials na gagamitin sa konstruksyon tulad ng mga bag ng semento, mga kahoy at iba pang gamit sakay ng barko.

Paliwanag ni Del Rosario, wala pang eksaktong petsa kung kelan sisimulan ang konstruksyon dahil kailangan munang makumpleto ang pagdadala sa Pagasa Island ng mga trabahador, construction materials at equipments.

Nauna nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na kabilang sa mga development project na ipatutupad sa Pagasa Island ang repair at pagpapahaba sa runway, paglalagay ng pantalan, ice plant, pagtatayo ng communication tower, pagsasaayos sa dalampasigan at iba pa.

TAGS: AFP, Pag-Asa Island, Palawan, West Philippine Sea, AFP, Pag-Asa Island, Palawan, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.