Dating PBA player Dorian Peña kinasuhan na makaraang mahulihan ng shabu

By Den Macaranas May 11, 2017 - 04:29 PM

Dorian Pena
Inquirer photo

Pormal nang sinampahan ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang dating PBA player ng San Miguel Beer na si Dorian Peña.

Ang nasabing PBA cager ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti Illegal Drugs Group sa isang buy bust operation sa Mandaluyong City kahapon.

Nakuha ng mga tauhan ng NBI kay Peña ang dalawang sachet ng shabu.

Sa isinagawang drug test ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na gamot ang nasabing PBA player.

Kasama ni Peña na isinalang sa inquest proceedings sa sala nina Fiscal Jocelyn Dugay at Ethel Rea Soril ang dalawa pang mga suspek na sina Leddy Mea Vilchez at Paolo Ampeso

Ang mga inarestong suspek ay nahaharap sa kasong possession & use of dangerous drugs habang sina Vilchez at Ampeso naman ay sinampahan ng kasong sale, possession, use of dangerous drugs at maintenance of drug den.

TAGS: dorian pena, NBI, PBA, shabu, dorian pena, NBI, PBA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.