Dumating na ang ikalawang amphibious landing dock (LD) o Strategic Sealift Vessel (SSV) ng Philippine Navy sa bansa.
Pinangunahan ni Rear Admiral Gaudencio C. Collado, Commander ng Philippine Fleet, ang simpleng seremonya na isinagawa kahapon sa Davao del Sur.
Ang landing dock ay katulad ng BRP Tarlac (LD601), isang Makassar-Class Landing Platform Dock ng Indonesian Navy na magsisilbing floating command and control ng Philippine Navy lalo na sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations at gagamitin bilang military sealift at transport vessel.
Pinondohan ng P3.8 Billion ng pamahalaan ang dalawang landing docks mula sa AFP Modernization Act Trust Fund.
Ayon kay Navy Spokesman Capt. Lued Lincuna, apat na araw na naglayag ang barko mula Surabaya, Indonesia patungong Pilipinas
Ikokomisyon ang barko na papangalang BRP Davao Del Sur sa May 30 na isasabay naman sa ika-119 taong anibersaryo ng Philippine Navy.