Economic managers ng pangulo nanligaw ng mga investors sa Cambodia

By Chona Yu May 11, 2017 - 03:55 PM

tugade2
Inquirer file photo

Ligtas nang bumiyahe at mag-negosyo sa Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ng mga economic managers at iba pang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumadalo ngayon sa World Economic Forum sa Cambodia.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, walang mararanasang korupsyon ang mga mamumuhunan sa kanilang itatayong negosyo sa Pilipinas.

Iniharap din ng mga economic managers ang mga infrastructure projects na balak itayo ng Duterte administration sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.

Kabilang dito ang massive airport development sa Visayas partikular sa Tacloban City, gayundin sa Davao City at Laguindingan at sa Northern Luzon partikular sa Laoag at Vigan.

Ayon kay Tugade, plano nilang magtayo ng airport sa Bulacan na may apat na runways balak din nilang pagandahin ang runways sa Clark International Airport sa Pampanga, development sa paliparan ng Subic, Olongapo at Sangley Point sa Cavite.

TAGS: Cambodia, Investments, tugade, world economic forum, Cambodia, Investments, tugade, world economic forum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.