Target ng PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang mahigit sa 800 mga tiwaling pulis sa pagpapatuloy ng isinasagawang internal cleansing sa hanay ng mga tauhan ng pambansang pulisya.
Sa ngayon, ayon kay PNP-CITF Director, S/Supt. Chiquito Malayo, patuloy na nakatatanggap ng reklamo ang CITF laban sa mga police scalawags.
Ayon kay Malayo, umaabot na sa 5,000 reklamo laban sa mga police scalawags ang natanggap ng kanilang tanggapan.
Sa tala ng CITF, umaabot na sa 15 tiwaling pulis ang naaresto mula ng buuin ang CITF noong Pebrero sa ilalim ng war on scalawags ng PNP base sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama na dito ang apat na pulis mula sa Makati City na naaresto sa isinagawang entrapment operation at kinasuhan ng kidnapping matapos na ireklamo ng pagdukot at robbery extortion ng isang negosyante na kanilang hiningan ng P400,000.
Kasabay nito, muling umapela si Malayo sa publiko na ireklamo sa PNP CITF hotline 0995-795-2569 at 0999-897-0286 ang mga tiwaling pulis para kaagad maaksyunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.