Pagtatalaga sa mga generals sa gobyerno, dati ng ginagawa ng mga dating pangulo
Walang nakikitang masama si Sen. Chiz Escudero sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga dating opisyal ng pulisya at militar sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.
Para kay Escudero, tila nagkakaroon pa ng balanse sa gabinete base na rin sa mga puna na may mga galing din sa mga makakaliwang grupo ang may puwesto ngayon sa gobyerno.
Dagdag pa ng senador, mas gugustuhin na niya na may mga bangayan sa hanay ng mga cabinet members sa halip na nagkakasundo na lang ang mga ito sa lahat ng bagay.
Samantala, nais naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na baguhin ang retirement age sa uniformed service mula sa 56 anyos, ay iakyat ito sa 60 anyos.
Tiwala si Cayetano na hanggang sa edad 60 ay magagawa pa rin ng mga pulis, sundalo, bumbero, jail officer at coast guard personnel ang kanilang mga tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.