War on drugs ni Pangulong Duterte, suportado ng European Union

By Mariel Cruz May 11, 2017 - 07:39 AM

European-Union-Handang magbigay ng suporta ang European Union (EU) sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, pinag-aaralan na nila ang pagbuo ng isang proyekto na tutulong sa mga drug users para hindi na bumalik sa kanilang nakasanayang gawain.

Layunin ng naturang proyekto ng EU na ipakita sa mga drug addict ang kahalagahan ng pagiging ‘drug-free’.

Sakaling buo na ang proyekto, unang ipatutupad ito ng EU sa mga barangay sa Luzon.

Kung magiging epektibo aniya ang nasabing proyekto, ipatutupad na din ito ng EU sa iba pang lugar sa labas ng Luzon.

Sinabi din ni Jessen na nakikipag-ugnayan na din ang EU sa Department of Health at sa World Health Organization para sa implementasyon ng proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.