Foreign Direct Investments, tumaas ng 11% sa unang 2-buwan ng 2017-BSP
Tumaas ng 11 porsiyento ang pumasok na Foreign Direct Investments (FDI) sa bansa sa nakalipas na unang dalawang buwan pa lamang ng 2017.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umaabot sa 1.05 bilyong dolyar ang pumasok na FDI na nakatulong ng malaki upang makapagbigay ng kinakailangang trabaho sa mga Pilipino.
Mas mataas ito sa $947 milyon na naitala noong kaparehong panahon noong 2016.
Nitong Pebrero 2017 lamang lumobo na sa $366 milyon ang naitalang FDI na mas mataas ng pitong porsiyento kumpara noong Pebrero ng nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral.
Ayon sa BSP, ang malakas na tiwala o investor confidence sa ekonomiya ng Pilipinas ang dahilan kaya’t patuloy na sumisigla ang ekonomiya ng bansa.
Noong nakaraang taon, umakyat sa 6.9 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas na isa sa mga pinakamabilis na pagtaas sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.