Infrastructure program ng administrasyon, ilalatag ni Duterte sa Cambodia visit

 

Nasa Camboadia na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang delegasyon para sa kanyang state visit sa naturang bansa at ilan pang lugar sa Asya.

Sa Cambodia, dadalo ang pangulo sa World Economic Forum bilang chairman ng ASEAN summit ngayong taong ito.

Sa naturang forum, umaasa si Pangulong Duterte na kanyang masusulong ang pagkakaroon ng mas malawak na ugnayan sa mga bansang kasapi ng ASEAN na makakatulong sa ekonomiya at kabuhayan ng mga bansa at mamamayan sa Southeast Asia.
Inaasahang isusulong rin ng pangulo sa kanyang mga pakikipagdayalogo sa mga lider ang kanyang mga infrastructure program na nakalinya para sa Pilipinas para sa positibong pagbabago.

Sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon, target nitong maglaan ng walong trilyong piso para sa infrastructure spending sa susunod na anim na taon.

Read more...