Infrastructure program ng administrasyon, ilalatag ni Duterte sa Cambodia visit

By Jay Dones May 11, 2017 - 04:38 AM

 

duterte-3-620x413Nasa Camboadia na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang delegasyon para sa kanyang state visit sa naturang bansa at ilan pang lugar sa Asya.

Sa Cambodia, dadalo ang pangulo sa World Economic Forum bilang chairman ng ASEAN summit ngayong taong ito.

Sa naturang forum, umaasa si Pangulong Duterte na kanyang masusulong ang pagkakaroon ng mas malawak na ugnayan sa mga bansang kasapi ng ASEAN na makakatulong sa ekonomiya at kabuhayan ng mga bansa at mamamayan sa Southeast Asia.
Inaasahang isusulong rin ng pangulo sa kanyang mga pakikipagdayalogo sa mga lider ang kanyang mga infrastructure program na nakalinya para sa Pilipinas para sa positibong pagbabago.

Sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon, target nitong maglaan ng walong trilyong piso para sa infrastructure spending sa susunod na anim na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.