Bagong South Korean president, handang makipag-usap sa North Korea

By Jay Dones May 11, 2017 - 04:22 AM

 

Progressive-Moon-Jae-in-elected-South-Korea-presidentBukas ang bagong pangulo ng South Korea na bumisita sa North Korea at bumisita pa dito kung kinakailangan.

Sa kanyang talumpati sa kasagsagan ng National Assembly makaraan siyang ideklarang panalo sa halalan, nangako si Moon Jae-in na isusulong ang kapayapaan sa Korean Peninsula sa gitna ng lumalalang tensyon sa naturang rehiyon.

Lahat aniya ng dapat kausapin upang maisulong ang kapayapaan ay kanyang kakausapin.

Kung kinakailangan aniya, handa siyang magpunta sa Washington, Beijing, Tokyo at maging sa Pyongyang upang maisulong ang mapayapang resolusyon ng sitwasyon sa Korean peninsula.

Nagpahatid na rin ito ng mensahe ng pagkakaisa sa kanyang mga nakalaban sa pulitika sa nakalipas na eleksyon upang maumpisahan na ang pagpapatuloy ng pag-unald ng kanilang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.