Patung-patong na seguridad, nakalatag sa Palawan para sa mga turista-PNP

By Ruel Perez May 11, 2017 - 04:36 AM

palawancottagesWala umanong dapat ikatakot ang mga turistang gustong magtungo sa Palawan.

Ito ang tiniyak ni Palawan Provincial Director Supt. Gabriel Lopez, matapos maglabas ng travel advisory sa posibleng banta ng terrorismo sa Palawan ang Estados Unidos at ang United Kingdom sa kanilang mga kababayan na narito sa Pilipinas.
Ayon kay Supt. Lopez, natural lang na mag-isyu ng travel advisory ang mga bansang ito, matapos ang sunud-sunod na pagkaka-aresto ng mga otoridad sa ilang miyembro ng terorrist groups sa lalawigan at iba’t ibang panig ng bansa.
Giit ni Lopez, dahil ang Palawan ay isang popular na tourist destination, normal lamang din na laging nakaalerto ang Palawan PNP pati na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa anumang posibleng banta ng terrorismo.

Kasalukuyan umanong nakakalat ang mga tourist police na nagbabantay sa mga turista at magmamamasid sa mga kahina-hinalang mga tao sa lugar.

Ayon pa sa opisyal, hindi lang PNP ang nagbabantay sa mga beach, kundi maging ang floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy.

Katuwang din aniya ng Palawan PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan ang 4th at 12th Marine Battallion ng 3rd Marine Brigade.

Ang patung-patong na seguridad na ito aniya ay tama lang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga magpunta sa naturang tourist spot sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.