Mga bagong PDP-Laban members nanumpa sa Kamara

PDP solons
Photo: Isa Umali

Pormal nang nanumpa ang hindi bababa sa sampung kongresista bilang mga bagong miyembro ng administration party na PDP-Laban.

Pinangunahan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas ang simpleng oath-taking para sa mga bagong lipat sa PDP-Laban.

Kabilang sa mga mambabatas na ito ay mga Liberal Party congressmen na si Quezon City Rep. Alfred Vargas, Quezon City Rep. Winston Castelo, Bataan Rep. Geraldine Roman, Lanao del Sur Rep. Ansaruddin Adiong at North Cotabato Rep. Nancy Catamco. Pasok na rin sa PDP-Laban sina Isabela Rep. Rodito Albano at Sulu Rep. Munir Arbison na kapwa mula sa Nacionalista Party; Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo ng Lakas; Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu at Masbate Rep. Scott Davies Lanete na galing Nationalist People’s Coalition o NPC.

Dahil dito, aabot na sa 121 ang kabuuang bilang ng mga PDP-Laban Congressmen sa Mababang Kapulungan ngayong 17th Congress.

Read more...