Bagong DENR secretary nagsimula na sa kanyang trabaho

By Alvin Barcelona May 10, 2017 - 04:26 PM

Cimatu-Lopez
Inquirer file photo

Pormal nang nag-take over ngayong hapon bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si retired General at dating Armed Forces Chief-of-Staff Roy Cimatu.

Isang simpleng turn-over ceremony ang idaraos alas-dos ng hapon sa punong tanggapan ng DENR sa Quezon City para sa unang araw ni Cimatu sa trabaho.

Pinalitan ni Cimatu si Gina Lopez na ni-reject ng Commission on Appointments kamakailan.

Sa kanyang mensahe inamin ni Cimatu na nasorpresa siya sa pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DENR.

Pinasalamatan naman ni Cimatu si dating Sec. Gina Lopez na umano’y nagbigay sa kanya ng crash course sa environmental protection 101.

Nangako din si Cimatu na gagawin ang lahat para protektahan ang kalikasan mula sa mga minahan, ilog, sapa, kanal at hangin.

TAGS: cimatu, DENR, lopez, secretary, cimatu, DENR, lopez, secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.