Sen. Alan Peter Cayetano itinalaga bilang bagong DFA secretary

By Chona Yu, Den Macaranas May 10, 2017 - 04:04 PM

Cayetano-Duterte
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano ang susunod na Department of Foreign Affairs (DFA) secretary.

Sa kanyang departure speech bago tumulak sa Cambodia ay sinabi ng pangulo na may mga kinakailangan lang tapusin na trabaho si Cayetano na Senado at pagkatapos nito ay uupo na siya sa top post sa DFA.

Bago ang kanyang pagpunta sa Ninoy Aquino International Airport ay sinabi ng pangulo na pirmado na niya ang appointment ni Cayetano.

Ilang buwan na ring lumulutang ang mga balita na target rin ng mambabatas ang posisyon sa DFA.

Bago naging Senador ay nagsilbi si Cayetano bilang kongresista sa Taguig City kung saan ay naging vice mayor rin siya ng nasabing lungsod.

Samantala, ipinaliwanag ng pangulo na personal choice niya si Margaux Justiniano Uson o Mocha Uson bilang assistant secretary sa Presidential Communications Office (PCO).

Bilang tagasuporta noong nakalipas na halalan, sinabi ni Duterte na taglay rin ni Uson ang mga hinahanap niyang katangian bilang bahagi ng official family ng pangulo.

TAGS: Cayetano, DFA, duterte, pco, uson, Cayetano, DFA, duterte, pco, uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.