Nadagdagan ang bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa ngayong taon.
Sa datos ng Department of Health, pumalo na sa 986 ang bilang ng mga kaso sa buwan ng Marso ngayong taon kung saan lumalabas na tatlumpu’t anim na porsyentong mas mataas kumpara noong 2016.
Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region na mayroong 309 at sinundan ng 135 kaso mula sa Region 4A-Calabarzon.
Naitala ang bilang na 107 na kaso sa Region 3, 76 sa Region 7, 52 naman sa Region 11 at may kabuuang 289 na kaso sa iba’t ibang parte ng bansa.
Karamihan sa mga kaso ay pinag-ugatan ng pakikipagtalik lalo na ang magkapasrehong kasarian, needle sharing ng mga drug users at ang paghawa ng HIV-positive na ina sa anak.
Kadalasang nagpopositibo sa naturang sakit ang mga nasa edad 25 hanggang 34 taong gulang.
Samantala, nasa 27 kaso na ang bilang ng namamatay noong Marso dahil sa naturang sakit.