Panukalang National ID System, lusot na sa House committee

By Isa Avendaño-Umali May 10, 2017 - 12:14 PM

congress1Aprubado na ng House Committee on Population and Family Relations ang panukalang National ID system na layong magkaroon ng iisang government ID ang bawat Pilipino.

Unanimous ang naging pag-apruba ng mga miyembro ng lupon sa tinatawag na Filipino Identification Act.

Sa ilalim ng substitute bill, ang bawat Pilipino na may edad 18-anyos ay mandatory o obligado na kumuha ng National ID.

Libreng ibibigay ang ID sa unang pagkakataon, habang may bayad na kapag magpapa-reissue ng ID.

Inaatasan ang Philippine Statistics Authority o PSA na maging repository o tagapangalaga ng lahat ng personal data para sa National ID, at hindi dapat ito ilabas nang walang permiso.

Sinabi ng chairman ng komite na si Laguna Rep. Sol Aragones, ang sinumang magbigay ng maling personal information sa IF at gagamit sa kabulastugan o maling paraan ay mapapatawan ng anim na buwan hanggang dalawang taong kulong at multang P60,000 hanggang P200,000.

Dahil naman sa pagkakaaruba ng House Committee on Population and Family Relations, ididiretso ito sa House Appropriations Committee para sa kaukulang pondo, bago tuluyang i-akyat sa plenaryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.