Duterte, nagpaabot ng pagbati sa bagong presidente ng Korea

moon jaein
AP PHOTO

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moon Jae-in sa pagkakahalal nito bilang presidente ng Republika ng Korea.

Umaasa ang pangulo na lalo pang mapagtitibay ang relasyon ng Pilipinas at Korea sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Moon.

Ayon sa pangulo, malakas ang bilateral ties ng dalawang bansa.

Katunayan ayon pa sa pangulo, malawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng pulitika, ekonomiya, kultura at people to people exchanges sa bilateral, regional at multilateral sector.

“The Philippines and the Republic of Korea have strong, comprehensive and long-standing bilateral ties. Our two countries have extensive cooperation on political, economic, cultural and people-to-people exchanges in the bilateral, regional, and multilateral spheres,” bahagi ng pahayag ni Duterte.

Ipinaabot din ng pangulo ang kanyang hangarin na maging maayos ang pamamalakad ni President-elect Moon sa Korea

Read more...